Pelikulang ipapalabas
Mga pelikula na ipapalabas sa sinehan, Sa mga darating na mga buwan marami na naman tayong aabangan at pagpipilahan sa sinehan.
Isa sa mga pinakahihintay ng lahat ay ang pelikulang the last air bender ni M. Night Shamalan. Masasaksihan natin ang hangin, apoy, lupa at hangin sa kanilang mga sagupaan, upang makamit ang kalayaang ipinagkait ng mga apoy na bansa.
Kasunod nito ang Eclipse na siguradong pagkakaguluhan ng mga kababaihan. Sa mga napansin kong mga karakter ay si Dakota Fanning na gumaganap bilang si Jane. Sa New moon, malakas ang kanyang pinakitang kapangyarihan, sa ngayon mas magiging katako-takot pa rin kaya siya?
Si Amanda Seyfried naman pagkatapos sa matagumpay niyang pagganap sa Dear John magpapakita na naman siya ng isang dramang magpapaluha ng ating mga mata sa Letters to Juliet.
Shia Lebouf sa Indiana Jones naman ay nanghinayang sa kanyang nagawa dito. Pero sa darating na Transformers siguradong magiging kapana-panabik ang pelikulang ito, dahil mas marami ang sasali sa labanan ng autobots kontra decepticons.
Isa pa sa dapat abangan ay ang Predators na pagbibidahan ni Adrian Brody, at iba pang mga sikat na artista. Mission nila makalabas o makaalis sa mundo ng mga predator na buhay matapos silang itapon ng walang alam kung ano ang kanilang gagawin.





