Iimbak

Posts Tagged ‘sulat’

Miyerkules

Mayo 5, 2010 Mag-iwan ng puna

Isang araw na naman ang lumipas sa buong araw na nakakapagod na trabaho. Sa wakas tatlong araw na lang at makakapagpahinga na naman ako matapos ang isang buong linggong puno ng sakit sa ulo, katawan at mga mata sa kaka harap sa computer. At sa tingin ko kailangan ko na nang magsuot ng eye-glasses pero di ko gustong magmukhang matanda or nerd, kaya aalagaan ko na lang ang aking mga mata upang di ito humantong sa pagkabulag, heheh.

Bakit ba ako nagsusulat? Wala lang, pinipilit ko lang gawin ang bagay na di ako magaling, malay mo baka sa kasusulat ko ng mga walang kwentang bagay ay makakagawa ako ng isang magandang komposisyon na maari ko ipadala sa mga gumagawa ng mga istorya sa pelikula o kaya sa drama.

Walong oras na naka upo di pa rin kuntinto sa ginagawa, kaya ito naghahabol pang magbasa ng manga. Kay sarap sana ng buhay kapag ka ganito lang parati ang ginawa ko, kahit mag isa, basta may trabaho at may panglakwatsa, pwede na. Sa ngayon di ko kailangan ang mga kaibigan dahil masaya ako na may kasama akong kaibigan dito sa bahay. Mga katrabaho sa mga kapitbahay at alagang hayop, na na dog-pound kaninang umaga. Sayang ang bait pa naman ng asong yon. Sinusundan kami kahit saan kami pumunta, sumasabay kumain sa pananghalian o kaya haponan.

Kung kailan nawala saka mo pa talaga maalala.

Categories: kwento Mga Marka:, , ,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.