Iimbak

Posts Tagged ‘siyensya’

Over time

Mayo 20, 2010 2 mga puna

Maaga ako gumising ngayon, ewan ko kung bakit pero ok lang nakapagkape naman. Sa tuwing magigising ako, di ko na na talagang mapilit ang katawan ko na matulog ulit, liban kapag ilang oras lang ako nakatulog kinagabihan.

Ngayon ang paksa ko ay tungkol sa overtime. Ayon sa pananaliksik ang magtrabaho lampas sa labin-isang oras ay nakakasama sa katawan ng isang tao, ito pa nga ang naipahayag nila.

“If the effect is truly causal, the importance is much greater than commonly recognized. Overtime-induced work stress might contribute to a substantial proportion of cardiovascular disease,” – reuters

Kaya dapat ang overtime ay hindi gagawing regular kasi nga, maski ako nakaranas ng matinding sakit sa katawan ng panay overtime ko. Biruin mo halos isang buong linggo na dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko ng mag overtime ako sa isang project at may dalawang buong araw ako hindi nakatulog upang matapos namin ang project bago ang deadline. Nakakapagod iyon buti na lang di akonakaranas ng insomia, pero mas malalala ang inabutan ko, tawag nila vertigo.

Buti na lang di ako na admit sa hospital, ng tinamaan ako noon. Ang karanasan na iyon ay talagang napakasama, pakiramdam ko umiikot ang buong mundo, nahihilo at nasusuka ako. Ang sakit ng ulo ko, ang sikmura ko’y parang nasusunog sa sakit at hapdi. Walang gana kumain, mahina ang katawan, mga mata ko’y mabigat at di ako makakita ng maayos.

Categories: kalusugan Mga Marka:, ,

New Star formed!

Mayo 12, 2010 1 puna

Ika-12 ng Mayo

Wow! ang magandang balita ito nasaksihan ng mga kasalukuyang mga researcher ang pagbuo ng bagong Star – tulad ng Sun, mas malaki at mas maliwanag pa nga kaysa sa araw natin.

Stars are born in dense clouds of dust and gas, and while jets of gas have been spotted coming from young stars, the process of how the stars uses this gas to disperse the surrounding debris and emerge from its birth cloud has not been understood.- space

Hindi kapani-paniwala pero totoo ito, grabe unang bukas ko pa lang sa yahoo news ito kaagad ang nakita ko. Ang ganda talaga ng magagawa ng makabagong teknolohiya, biruin mo nasaksihan nila ang pagbuo nito. Nakakuha pa nga sila ng larawan.

An “impossible” star is born. And a hole in space shows what happens once a star is formed. Plus, an out-of-this world zombie! It’s your Buzz space roundup.-yahoonews

Ano naman kaya ang posibleng magawa sa pagbuo ng isang bituin. Ibig bang sabihin nito maaari din tayong kumuha ng source of energy dito. May kakaiba bang mangyayari sa mundo natin?

It wants to eat your satellite’s brain? at “zombie” satellite aka galaxy 15? Anong ibig sabihin nito. Paliwanag nyo nga.

Don’t be alarmed. High above your heads, a zombie satellite is on the loose. OK, actually, it won’t really be a bother to us earthlings. Or at least to most of us. (More on that later.) But the rogue communications satellite is wreaking havoc in Earth’s orbit and does threaten to interfere with signals coming from other satellites. – buzzlog

Sigurado kayo diyan ha. Sabagay wala naman satellite ang Pilipinas kaya ok lang. Pero grabe naman, kung maapektohan ang kominikasyon, sigurado ang mga mayayamang bansa ay apektado nito.

Hole in Space. ano naman ito? – dumudugo na ang mga ilong ko, pero bahala na si lord basta maganda to, dagdag sa kaalaman, kaya babasahin ko to, kayo rin huwag na kayo magpahuli sa larangan ng siyensya.

Ito, ang buong kwento ng panibagong bituin.

Categories: makabagong kaalaman Mga Marka:
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.