Iimbak

Posts Tagged ‘sining’

Kanta’t Kumanta

Mayo 19, 2010 Mag-iwan ng puna

Mahilig ka ba sa mga hapon na mang-aawit? May kilala ka ba sa kanila?

Ito sila…

Arashi

High & Migty Color

L'arc n ciel

Kung nanonood ka ng mga anime na Naruto, Bleach, Hunterxhunter, FMA, Gundam Wing, Death Note, One piece sigurado may alam kang mga hapon na mang-aawit, tulad ko gusto ko si Yui. Liban sa kanya ang iba na gusto ko ay ang bandang L’arc n ciel na kumanta ng daybreak’s bell ng Gundam 00. Abingdon boys na kumanta ng isang opening theme sa D.gray-man. Ang asian Kung-fu generation ay magandang banda rin. Sa katunayan marami pang iba lalo na kung mapapakinggan mo ang kanilang mga kinakanta.

Asian Kung-fu Generation

Sa una hindi mo magugustuhan kasi hindi mo alam ang mga ibig sabihin pero kapag ka mapakikinggan mo na, sigurado hahanapin mo ang lyrics at ang english translation nito. Kapag nangyari ito sigurado, di mo na mapapansin na marami kanang koleksyon nila. Sa kasamaang palad kinuha mo lang ito sa internet ng libre, download sa torrent o kahit sa mga kaibigan mo pa ito nakuha, pirated pa rin.

Abingdon boys school

Aaminin ko maganda magkaroon ng mga kanta nila pero, napansin ko na di mali ang magdownload nito. Mapanood sa youtube o sa ibang site ay masaya, pero umangkin ng kopya nito, mali eh. Kaya, hanggang sa live streaming na lang ako ngayon. Kung makakapunta ako sa Japan sigurado, maglilista ako ng mga mang-aawit at bibilhin ko ang mga orihinal nilang mga album.

Buhay Arkitek

Mayo 18, 2010 Mag-iwan ng puna

Lakad dito, lakad doon, Meeting dito, meeting doon. Ulit dito, ulit doon. Araw-araw yan ang mga ginagawa ng isang Arkitek. At gagawa pa ng mga billing at bidding report para sa mga kasalukuyang kleyente at sa mga bagong proyekto.

Sa kanyang kompanya, magbibigay ng instruction sa mga supervisor at foreman tungkol sa mga gagawin. Kung ano dapat, kung ano ang mauuna, kung ano ang babaguhin at kung paano ang gagawin. Sa secretary at purchaser kung papaano ang pagbudget sa mga materyales, saan bibilhin, kanino supplier – sa roofing, tiles, pintura at iba pa – ibibigay ang project na ito, magkano dapat ang cash, ipi-P.O. o check.

Kung sa opisina naman sa job captain at draftsperson lang ang kakausapin pero kadalasan panay revision lang ang ginagawa. Baguhin ang itsura ng façade, ang location ng sala, palakihan ang master’s bedroom, ulitin ang perspective. Pagkatapos, meeting ulit sa kleyente, kung aprobado na ipapadala sa structural engineer upang mapag-aralan ang mga pondasyon ng bahay o ng gusali. Saka magsisimula ang construction.

Kaya naman mas mahirap kapag ka nasa site ka, lalo na kapag lay-outing ang gagawin kasi napaka init ng araw at anim na araw sa isang linggo ka nakababad sa init ng araw. Liban na lang kung commercial ang gagawin mo, pero ang problema naman kapag ang commercial space mo ay nasa loob ng isang mall, na may sariling patakaran sa construction.

Lahat ng ito, iniisip ng isang arkitek, kontraktor man o design lang. Kasi dapat masusunod ang nasa plano ng arkitek, dahil kung hindi, hindi rin magugustuhan ng kleyente, liban na lang din kung ang kleyente ang nagsabing baguhin ito.

Categories: kwento Mga Marka:,

Bakuman chapter 7-13

Mayo 16, 2010 Mag-iwan ng puna

Galing, ang ganda ng kwento di ko na namalayan na nakaabot na ako sa ika-13 na kabanata, nakalimutan ko tuloy magsulat tungkol sa mga kaganapan ng Bakuman.

Sa ngayon, ang masasabi gusto ko na ulit gumuhit ng mga karakter, pero alam ko sa simula lang ito ang pag tumagal ay mawawalan na rin ako ng gana, subalit gusto ko pa rin gawin ito, malay natin pagdating ng araw makagawa ako ng isang obra maestra na karakter, at kahit di ako marunong gumawa ng istorya makakahanap naman siguro ako ng editor na pwedeng makatulong sa akin tulad ni Saiko.

Ito pala ang mga nangyari sa ika-7 na kabanata.

Mayroon talaga minsang mga emosyon na di kayang ipaalam sa taong may kinalaman nito, pero minsan ang di mo alam pareho kayo ng isiniisip. Kaya mas lalong nagiging mahirap ang sitwasyon lalo na pag kayo ay parehong mahiyain at parating nangyayari ay hanggang tingin lang kayo sa isa’t isa.

Sa ika-8 kabanata dinala na nila ang kanilang pinakaunang istorya para makagawa ng isang manga na ipapalathala sa jump.

Sa ika-9 na kabanata nagustuhan ng isang editor ang kanilang kwento at binigyan sila ng isang pagkakataon upang magsumiti ng panibagong kwento na makaka-akit sa editorial staff.

Sa di-inasahang pangyayari. si Saiko, sa kakaisip niya kay pangako nil ni Azuki di nya namalayan na nasarahapan na pala siya ng bahay nila.

Pero, habang sila ay nag iisip ng bagong istorya at sa di-inasahang pagkakataon ulit, may makakarahap silang isang taong magiging karibal nila sa pagiging isang tanyag na mangaka.

Yan naka anim na kabanata na ako. At gaan pa rin ng loob ko sa manga na ito at ibig sabihin di pa ako nagsasawa dito sa halip gusto matuklasan pa ang mga pangyayari sa mga ambisyon nilang dalawa ni Shuji at Saiko at Azuki.

Categories: babasahin Mga Marka:, ,

Yui

Mayo 15, 2010 1 puna

Saan ko ba unang nakilala ang singer na ito. Ah oo nga pala sa Bleach opening theme na Rolling star. Kasunod ang Life nya na isang tema din sa Bleach. Pag karinig ko sa iba pa niyang mga kanta di ko na mapigilin ang sarili ko kaya hinanap ko ang mga kanta nya, pati ang pelikula niyang taiyou no uta.

Magaling na singer at composer si Yui kaya naghahakot siya ng maraming award mula noong naipadinig niya sa madla ang mga composition nya. Kung maririnig mo ang boses niya tiyak akong magugustuhan niyo ito. Noong 2009 lang may isang kanta na naman siyang  pinasikat. Ito ang Again na naging opening theme ng Full metal Alchemist.

Ngayon may bago na naman na album na na release. Ang pamagat ng album nya ay To mother at sa kasalukuyan niya itsura ay nako nakaka-in-love.

ang larawan na ito ay ang kasalukuyang anyo ni Yui, pero hindi ko po ito pag-aari, downloaded lang sa google, kung gusto nyo makita ang mga mukha nya, at mga nagawa dito po sa Yui-net kayo pumasok, suportahan po natin si Yui.

Di mo talaga ako masisisi kung bakit ko gusto ang mga kanta nya at pagmasdan mo siya.

Pagmasdan niyong mabuti bago pa mawala sa  youtube ang video na ito.  At sabihin niyo sa akin kung di pa rin kayo nakuntinto sa kanya.

Categories: kanta't kumanta Mga Marka:, , ,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.