Iimbak

Posts Tagged ‘legend of Aang’

Legend of Aang

Mayo 2, 2010 Mag-iwan ng puna

O, ito na ang pinkahihintay ng lahat ng mga kabataan edad 8 hanggang 13 taong gulang, at ang mga taong mahilig manood ng ‘The last air-bender‘.

Ano ba ang meron sa the last air-bender? Sinu-sino ba ang mga bida sa pelikula at palabas ( nicholedeon’s the last air-bender)?

Una, ano’ng meron sa last air bender bakit ito gustong mapanood ng lahat ng kabataan, kasi tampok dito ang pinakabatang monk na nagngagalang Aang at naatasang maging avatar sa edad na 8. Ang avatar ay ang guro ng apat na elementong bumabalanse sa mundo, ito ay ang apoy, tubig, lupa at hangin. Si Aang ay isang ‘air nomad‘ at nag iisa sa kanyang tribu matapos silang salakayin ng tribu ng apoy. Nakaligtas siya sa pagsalakay dahil siya’y tumangging maging isang avatar . Lumipas ang tatlong daang taon, si Aang ay natagpuan ng mga tribu ng tubig, kung saan dito nya nakilala ang kanyang mga tagagabay upang tapusin ang kasakiman ni ‘Fire Lord Uzai‘.

Pangalawa, ang mga bida. Si Katara ang nalalabing water bender sa kanilang tribu at ang naging unang guro ni Aang, at si Sokka naman ang naatasang tagapagbantay ng kanyang mga ninuno, na naging tagapangulo sa kanilang mga lakad. Si Zuko, sa kabilang banda, ang nagnanasang mahuli si Aang upang mabalik ang kanyang reputasyon at respeto ng kanyang ama, si Zuko din ang naging pang huling guro ni Aang at nagturo ng Fire bending. Si Toph na kanyang guro sa earth bending ay hindi pa magpapakita sa pelikulang ito, siguro sa susunod na parte pa.

Kung napanood ninyo ang cartoon version siguradong magugustuhan nyo rin ang pelikulang ito. Subalit di pa rin matiyak kung ano talaga ang kalalabasan ng pelikula na idinerek ni M. Night Shamalan.

Categories: pelikula Mga Marka:,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.