Iron Man 2-review
Sa sabihin ko na tatlong beses kong pinanuod ang Ironman2 at di ko pa rin lubos maisip na maganda ba talaga ang pelikula. Sa kwento nya naiintindihan kong nagpapapansin si Tony gusto nyang gawin lahat habang buhay pa siya, kasi nga malapit na siyang mamatay dahil sa blood toxicity pero sa kaibigan niyang si Rhodes parang mali eh. Pinalitan siya at di ko alam kung bagay ba siya o hindi sa kanyang pagganap. Mas maganda sana tingnan yong dating at dating ng unang Rhodes. Mas nakakatawa, mas matipono, mas makulit at tingin ko mas bagay sa pagganap bilang Rhodes.
Sa buong kwento maganda sa unang beses, subalit sa pangalawa napansin ko ang mga kagagawan nila, natawa ako hindi dahil sa kwento kung hindi dahil sa kakornehan nila. Si Justin Hammer ang talagang napakakorne sa pelikula, isipin mo pinilit nya gayahin si Tony, may pasayaw-sayaw pa siya sa kanyang presentation. Si Ivan naman, nag palu-palo ng ng kanyang latigo, di naman tumalab sa katawan ni Ironman at isang suntok lang ayon tulog kaagad. Si Senador Stern rin parang di sanay maging senador. Sabagay baka ganun nga talaga ang kanilang pagganap.
Subalit namangha ako sa bagong karakter na si Black Widow, ang sexy nya kompara kay Peper at ang galing pang magkarate Daig pa nya si Happy Hogan-Jan Favreu. Oo ang direktor na si Jan Favreu ay gumanap bilang si Happy Hogan na personal assistant ni Tony. Si Nick Fury naman kahit sa sandaling pagkakataon lang nabago nya ang kwento.
At dahil may kinlaman na sa Avengers, ang susunod na Iron Man sigurado ako na magpapakita na si Captain America at thor sa pelikula. At bago ipapalabas ang Iron Man (3) ipapalabas muna si Kapitan at Thor. Chris Evans as Captain America, maganda to! Si Thor naman, pasinxa na di ko alam, di naman sa di ko kayang alamin pero di ko lang gusto alam para di ako manghinayang. Sa Avengers, kasama pala dito sina Wolverine at Spiderman, isasama rin kaya sila?
Iron Man 2, kahit ang haba-haba ng kwento, kahit tatlong beses kong pinanuod, na sa ika’tlong pagkakataon halos makatulog na ako ang masasabi ko napakaganda.
