Sino ang binoto mo?
Ika-10 ng Mayo taong 2010 ay halalang pambansa. Ang mga taong edad 18 pataas at rehistradong pinoy ay nagpunta sa kani-kanilang mga presinto upang bomuto ng kanilang napiling presidente.
Maaga palang nagising na Papa ko para magbantay sa presinto sa mga bumubuto, bumalik siya para ipagbigay alam sa amin kung saang presinto kami buboto. Sa tuno ng kanyang salita, parang ang laking pag alala nya. Pumunta kami pasado alas-9 ng umaga. Sa labas pa lang ay masasabi mo na ang haba ng pila ng mga sasakyan at gulo ng paligid. Sa impormasyong sinabi nya, ang laking tulong na. Kasi kung noong nakaraang halalan, ang presinto ay para lang sa isang kluster ng mambuboto ngayon ay naging limang kluster sa isang presinto at isa lang ang automated voting machine na bago ngayong eleksyon.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang patakaran nila, pero lahat ay may priority number at saka nila tatawagin ang mambuboto upang bumoto, di tulad ng dati kapag nakita mo na ang pangalan mo, papasok ka na at buboto.
Sa bagay naging maganda ang takbo ng pagboto sa aming baranggay. Pero balita ko sa ibang lugar ay pumapalya ang mga machine at iba ay hindi tinatanggap machine ang mga balota. Hindi naging madali ang pagboto pero mas naging madali ang pagbilang ng mga boto, na siyang maganda ngayong eleksyon. At naging mapayapa naman ng mga presinto.
Ako, ang mga binoto ko. Akin na lang yun, pero kung sa presidente at bisi-presidente lang, Kay Aquino at Binay ako.
