Iimbak

Posts Tagged ‘goals’

Dreams and Goals

Mayo 23, 2010 Mag-iwan ng puna

Pangarap kong maging isang arkitek at pumunta sa Japan at wala na iba. Marami mang balakid sa aking pangarap susubukan ko ito sa abot ng aking makakaya. Kung noon nangarap akong maging Seaman katulad ng aking ama, ngayon kahit di ako maging isang Seaman makakaya kong pumunta sa ibang lugar, kung sisikapin ko. Mas maganda ang napili ko sapagkat ito’y nakakatulong upang makilala ko ang mga sinaunang gusali, kumbento, at mga palasyo sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Ang pangarap ko ay mahirap abutin. Kaya kung matutupad ito ako na ang magiging pinakamasayang tao sa buong mundo sa panahon yon. Kung ang pangarap ay may katumbas na kahirapan, maghihirap ako makamit lang ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

Sa ngayon, ang goal ko una pumasa sa board exam, pangalawa makahanap ng paraan upang makapag ibang bansa. Habang nasa opisina, gumagawa ng mga trabaho na may kinalaman sa kinabukasan ko. Di ko mapigilan matulala at mag isip kung ano ang magagawa ko sa susunod na taon. Kung makakapasa kaya o hindi sa board exam. Wala akong ibang inaalala kundi sarili ko, pero bakit ako nahihirapan mag-aral. Nagbabasa naman ako pero puro manga at magazine lang ang mga ito. at isa pa di rin naman nakakatulong upang mapaganda ang aking gawain.

Sabagay tumutulong ito upang makapagbigay aliw paminsan-minsan. At  halos kadalasan inspiration makes your heart and mind work fully hand in hand.

Categories: kwento Mga Marka:, ,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.