Iimbak

Posts Tagged ‘dvd’

Kahapon

Mayo 13, 2010 Mag-iwan ng puna

Kahapon, naalala ko silid ko, puno ng mga larawan ng mga anime, ang iba ginuhit ko ang iba naman binili, ang iba kasama sa mga magazine. May isang personal computer na ngayon iba na ang kulay sa monitor, alam ko sira na yon pero pinagtitiisan ko na lang muna kasi ala pa akong pera pambili ng bago. Ang silid ko ay may kunting collection ng VCD at mga pirated na DVD na ngayon lalagyan na lang ang pwede tingnan kasi dinagumagana ang disc, parang disposable ang mga pirated na DVD o maski anong klaseng kagamitan.

May one month or two months warantee nga pero pagkalampas ng dalawang buwan sira na. Maganda nga sa simula kasi pwede mong palitan kung may sira pero paglumampas na eh salamat na lang sa pagbinta.

Kung pirated na DVD, tapos pelikula ang papanoorin mo, ang pangit ng resolution liban na lang ko, ito’y nakakopya na ng galing sa DVD talaga. Kung mga teleserye naman, korean, chinese, taiwanese o japanese maganda ang kuha kasi galing sa internet ang kopya. Kung collection naman di maganda ang mga kombinasyon ng mga palabas. Kaya kung bibili ka ng pirated teleserye o anime lang ang kukunin mo, kasi sigurado hindi ka manghihinayang, pero kung ikaw ay ayaw sa pirated. Mag-streaming ka na lang sa internet, kaso mag aantay ka ng ilang minuto bago mo mapapanood kasi magbabuffer pa, kung hina ang internet connection lagot ka, lalo pa kapag nasa internet cafe ka, Naku ang laki ng babayaran mo.

Iyan ang mga kadalasang ginagawa ng mga taong mahilig manood ng palabas sa TV.

Kahapon, naalala ko nakahiligan kong gumuhit ng mga anime, bakit ngayon di ko na ginagawa. Wala na ba akong oras para gawin ang mga bagay na yon o sadyang binabaliwa ko lang ang kinahihiligan ko noon. Mas magiging komportable siguro ako kapag mababalik ko ang ginagawa ko noon.

Categories: kwento Mga Marka:, ,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.