Iimbak

Posts Tagged ‘dreamcatcher’

Dreamcatcher

Mayo 14, 2010 Mag-iwan ng puna

Napanood niyo na ba ang dreamcatcher na movie ni Lawrence Kasdan basi sa aklat ni Stephen King?

Ito ay tungkol sa apat na magkakaibigan na tunulong sa isang batang may deperensiya sa pag-iisip. Ang bata ding ito ay nagbigay ng kapangyarihan sa kanilang apat, upang kalabanin ang isang nilalang na gustong sakupin ang mundo ng mga tao.

Maganda ang pelikulang ito at hindi ko ito makakalimutan, pero ang paksa ng blog na ito ay tungkol sa dreamcatcher at hindi sa movie.

Paano ba gumagana ang dreamcatcher, at para saan ba ito?

“Good dreams pass through the center hole to the sleeping person. The bad dreams are trapped in the web, where they perish in the light of dawn.” -wikipedia

Nakagawa ako ng dreamcatcher dati at hanggang ngayon nakasabit pa rin ito sa aking ulohan ng higaan ko at kahit minsan sa silid na iyon di ako nakapanaginip ng masama. Lahat ng panaginip ko sa tuwing natutulog ako ay mapayapa.

Dito naman sa tinutuluyan ko ngayon panay masama, at halos gabi-gabi na lang ako nakakaranas na di magandang panaginip. At ang bigat sa pakiramdam kinabukasan, kahit di ko man naalala ang napanaginipan ko. Ang mga mata ko, sumasakit ang ulo ko parang ang bigat. Hindi tulad kapag ka nakatulog ng mahimbing, kahit ilang oras lang ok na.

Paano ba gawin ang dreamcatcher?

Ito may nakita ako sa internet na How to make a dream catcher.  Madali lang ito, kahit mga bata kaya ito. paalala nga lang sa mga magulang bantayan nyo lang ng maigi ang mga bata sa paggawa.

Categories: kwento Mga Marka:,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.