Iimbak

Posts Tagged ‘artista’

Yui

Mayo 15, 2010 1 puna

Saan ko ba unang nakilala ang singer na ito. Ah oo nga pala sa Bleach opening theme na Rolling star. Kasunod ang Life nya na isang tema din sa Bleach. Pag karinig ko sa iba pa niyang mga kanta di ko na mapigilin ang sarili ko kaya hinanap ko ang mga kanta nya, pati ang pelikula niyang taiyou no uta.

Magaling na singer at composer si Yui kaya naghahakot siya ng maraming award mula noong naipadinig niya sa madla ang mga composition nya. Kung maririnig mo ang boses niya tiyak akong magugustuhan niyo ito. Noong 2009 lang may isang kanta na naman siyang  pinasikat. Ito ang Again na naging opening theme ng Full metal Alchemist.

Ngayon may bago na naman na album na na release. Ang pamagat ng album nya ay To mother at sa kasalukuyan niya itsura ay nako nakaka-in-love.

ang larawan na ito ay ang kasalukuyang anyo ni Yui, pero hindi ko po ito pag-aari, downloaded lang sa google, kung gusto nyo makita ang mga mukha nya, at mga nagawa dito po sa Yui-net kayo pumasok, suportahan po natin si Yui.

Di mo talaga ako masisisi kung bakit ko gusto ang mga kanta nya at pagmasdan mo siya.

Pagmasdan niyong mabuti bago pa mawala sa  youtube ang video na ito.  At sabihin niyo sa akin kung di pa rin kayo nakuntinto sa kanya.

Categories: kanta't kumanta Mga Marka:, , ,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.