Iimbak

Posts Tagged ‘architecture’

Namamasyal lang

Mayo 17, 2010 1 puna

Habang wala maisulat sa blog naalala ko na may mga magagandang blog pala sa blogcatalog na binibisita ko dati, sa former blog ko na animetectura. Kaya sinubukan kong maghanap at ito ang mga nakita ko at napagka-interesan ko.

Ada no Nikki – ito ang blog na tungkol sa isang batang gustong kumawala at maisulat ang mga karanasan sa musika, kultura, art at sa buhay.

Viewtifull Workz – dito makikita mo ang iba’t ibang effect gamit ang photoshop, na sa tingin ko di lang yun basta photoshop. pero namangha ako sa mga gawa niya.

Jay.me – Gustong ipublish ang kanyang mga nagawang mga artwork.

Ume Origami – Ay tungkol sa isang paraan ng pagtupi gamit ang papel, na tanyag sa bansang Japan.

Neo-Urban Planner – ay tungkol naman sa Urban planning sa Manila. Nagustuhan ko ito kasi ito’y may kinalaman sa arkitektura, at dito mismo sa pilipinas ito ginagawa.

Davao Kudakir – di ako marunong kumuha ng mga larawan pero pagkakita ko nitong isang blogger at sa kanyang mga naipakita sa kanyang mga lathala ay namangha ako, ang ganda siguro ng kanyang kamera. Isa pang blog na napahanga ako ay ang shotnroll.

Shot n roll – ang ganda ng site na ito, wala akong masabi. Kayo na lang ang tumingin at humusga sa mga makikita nyo. :)

PV download – naman ay koleksyon ng mga kantang Asyano, at simpre gusto ko ito kasi mahilig ako makinig ng japanese song, lalo na kay Yui.

Yui isang musikirang napakaganda at napakagaling kumanta. Ang tanyag nyang mga musika at ang ROLLING STAR at LIFE na opening at ending theme ng Bleach at ang bago ay ang AGAIN na opening theme naman ng Full Metal Alchemist.

Ang aking pamamasyal ay itutuloy ko sa ikalawang yugto.

Categories: kwento Mga Marka:, , , ,

Arkitektura

Mayo 3, 2010 Mag-iwan ng puna

Kadalasan kapag ka ikaw ay magaling o nakahiligang gumuhit, ang kinukuha mong kurso ay arkitektura o fine arts kasi para sa iyo komportable at ganado kang gawin ang lahat na pinapagawa ng propesor mo. Pinili ko arkitektura, di naman ko magaling gumuhit, nakahiligan ko lang kaya sinubukan ko ito.

Ang pagpasok sa kursong arkitektura ay di basta-basta, sa unang taon ng pag-aaral marami ang nag eenrol pero habang tumatagal nababawasan ang mga estudyante, hanggang sa matira ang matibay. Kasi habang tumatagal ang mga subject ay pahirap ng pahirap at ito’y di basta-basta dahil kailangan mong pag-aralan araw-araw lalong lalo na ang math. Sa highschool kaya mong baliwalain ang mga tanong na binibigay ng guro mo, subalit sa kolehiyo lalo pa kapag napasok ka sa kursong pang enhinyero ang itatanong ngayon at kinabukasan ay may kinalaman sa kahapon na tanong. Kung makakalimotan mong pag-aralan siguradong mahuhuli ka at mawawala ka sa konsentrasyon mo, kasi sunod-sunod ang pagtatalakayan sa klase.

Ako man ay nahirapan dati sa pag-aaral di naman ako magaling sa math katunayan ilang beses din akong bumagsak sa isang subject sa math. Aaminin ko naging pabaya ako noon, pero naisip ko kung magpapabaya na lang ako parati di ko matatapos ang kursong arkitektura.

Pinagbigyan ako ng mga magulang ko na ito ang kukunin kong kurso, kahit na maghirap pa sila basta masaya ako sa kinukuha ko, kaya di ko sila dapat bibiguin. ang sabi ko sa sarili ko.

Sa kabutihang palad natapos ko ang kurso at ngayon nagtatrabaho sa larangan ng arkitektura upang maging handa sa architectural licensure exam at sa pagiging isang arkitek na magpapabago ng kinabukasan. Sa susunod na taon ko naisipang kumuha ng exam.

Sa panahon ngayon balitang-balita sa buong mundo na ang arkitektura ang  may pinakamagandang kurso at pinakakailangan sa halos lahat ng bansang umuunlad. Dahil, umaakit ito ng mga turista, kapag ka marami ang turista, maramin ding gustong magtayo ng mga negosyo, at kapag marami ang negosyo, marami ang nagkaroon ng trabaho, pag may trabaho, di kailangang mangibang bansa, at ang bansa natin ay uunlad.

Dito sa Pinas ang arkitektura ay kilala na rin ng madla dahil sa kakayahan nitong baguhin ang pisikal na anyo ng isang lugar tungo sa magandang kinabukasan. Ang maganda pa nito ang arkitektura ay nag-iiwan ng panghabang-buhay na kaalaman.

Categories: arkitektura Mga Marka:
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.