Iimbak

Posts Tagged ‘Aizen’

Naruto Shippuuden

Mayo 10, 2010 1 puna

Sa wakas nandito na ang bagaong kabanata ng Naruto Shippuuden ika-493 na kabanata.

Matapos ang dalawang linggong paghihintay sa Naruto manga kaunti lang ang nangyari, grabe naman.

Sa bagay siguro paunang kwento lang ito sa mas magandang pangyayari sa susunod na isyo. Mag iinsayo na si Naruto upang mapaamo nya ang Kyuubi. Pero paano kaya nya gagawin yon?

Ito naman ang ika-402 na Kabanata ng Bleach.

Nagpakita si Kusike upang sagupain si Aizen.

Ilang tama lang ang natamo nilang dalawa, tapos ganun na, talo na agad si Aizen, how disappointing. Ganun lang ba kadali talunin si Aizen?

Ano ba nangyayari sa mga ipinapalabas nila na mga kabanata lahat hanging ang kwento sa Naruto pareho lang. Dalawang linggo pa naman ako naghintay. They should have a better issue next week or I’ll stop reading their manga, hahahah.

Ilan taon na ba nang umpisahan kong panoorin ang Naruto at Bleach. Nasa Kolehiyo pa ako noon, nasa ika-tatlong baitang sa kursong arkitektura, at ngayon 2010 na. Kaya mga apat na taon na ata, pero di pa rin natatapos ang kwento ni Naruto. At hindi pa rin ako nagsasawa manood at magbasa ng kanilang palabas, pero kapag ka ganito ang ipinapakita nila sigurado manghihinayang ang mga manood at mambabasa ng manga.

Alam ko sikat at matindi ng pagkasikat nito, kasi biruin mo halos lahat ng mga bata o kabataan o maski yong medyo lampas na sa 30 ang edad kapag ka makarinig ng Naruto, bigla na lang magrereact at sasali sa usapan. Sa kwento nito, lahat ay napapamangha. Kahit sa mga karakter, kalaban man o kakampi lahat gustong gayahin. Lalo na ang mga cosplayer.

Pero paano kung halos lahat ay mawalan ng ganang basahin o panoorin ang palabas dahil sa hindi na nila nagustuhan ang kwento. Lalo pa sa anime na dinadagdag nila ang filler kapag ka nahuhuli ang mga mangaka sa paggawa ng bagong kabanata.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.