Iimbak

Archive for Hunyo 9, 2010

Diskarte ng Purchaser

Hunyo 9, 2010 Mag-iwan ng puna

Ang purchaser ang siyang naatasan na taga asikaso ng mga bibilhin na mga materyales kaya dapat alam niya ito at kilala ang lahat ng mga supplier at mga kompanyang mapagbibilhan ng mga materyales at kagamitang pang-construction.

Ang pagiging purchaser ay hindi rin basta-basta kasi, lahat ng mga supplier at mga kompanya ay hindi basta-basta tatanggap ng mga P.O. o magbibigay ng diskwento kapag di nila kilala ang kumakausap sa kanila. Kailangan mo pang magpakilala na sa itong kompanya ka, na nautusan ka ni arkitek na bibilhin ito.

Sa presyo naman ng mga materyales, alam lahat yan ng purchaser, kung tumaas ang presyo o bumaba. Kahit ang mga sukat ng ganito-ganito kaya yan ng isang purchaser kung baga, kaya nyang mag estimate ng kung ano ang mga materyales at gaano karami ang kailangan ito.

At ang maganda nito kung malapit na ang kapaskuhan ang purchaser ang tanging may kakayahang, humungi ng mga Christmas bonus o give aways sa mga supplier na kumita sa proyektong ginawa ng kontraktor.

Sa pamamahala, kaagapay nya ang secretary na siyang naglilista ng mga nabili at maghahanap ng paraan upang mabigyan ng budget ang mga bibilhin. Kasama din dito ang warehouse manager na siyang tagabantay at tagalista ng mga sobrang materyales na naiimbak sa bodega, Sapagkat kailangan ding malaman kung anong mga materyales ang mga sumubra at pwede pang gamitin sa susunod na proyekto.

Categories: kwento Mga Marka:
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.