Bungad > pelikula > Transformer 3

Transformer 3

Kung napanood nyo ang Transformer 1 at 2. Siguradong magugustuhan nyo ang ika’tlong bahagi nito. Ayon kay Michael at Shia di sila naging kuntinto sa ikalawang yugto ng Transformer.

Kung nabasa nyo ang pahayag nila, iisipin nyo ano pa’ng naging kulang sa pelikula nila, at ano ang gagawin nila sa ikatlong bahagi. Sa dalawang bahagi ng Transformer gusto ko ang dalawa.

Ang unang bahagi ay ang pagpapakilala ng mga autobots sa kanila. Ang pangalawa ang paninirahan nila sa mundo ng mga tao ng mapayapa na pilit ipinagkait ng mga mambabatas na naging resulta ng malaking kaguluhan.

Sa pagkakaalam ko sa huling minuto ng ikalawang pelikula ay naghahantay pa si Optimus Prime ng mga autobots na gustong manirahan ng mapayapa sa mundo ng mga tao. At si Megatron naman ay di pa rin susuko at naghahanao din ng mga kakampi upang tapusin si Optimus. Magiging malaking sagupaan ng kapangyarihan ang ikatlong bahagi sapagkat mas marami ang magiging kalahok. At balita ko may bagong karakter na isasali at ito’y ang Ferarri  458 Italia.

Sa una’t pangalawa naging maganda ang takbo ng pelikula, hindi naman naapektuhan ng puro salita ang mga sagupaan. di tulad ng ibang pelikula na mas marami ang salita kapag ka nasa ikalawang bahagi na sila, na siyang naging dahilan ng mga manonood na manghinayang sa bayad nila. Sana sa ika’tlong bahagi, mas magiging makabuluhan ang kwento kasi nga panghuli na ito. Ito may paunang prediksyon sa mga kalahok sa transformer 3 movie.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.