Iimbak

Archive for Mayo 31, 2010

Drawing

Mayo 31, 2010 Mag-iwan ng puna

Kung ikaw ay mahilig gumuhit at napagpasyahan mong gumuhit lalo na kapag nasa mood ka di mo mamalayan ang oras.

Ang pag guhit ay nangangailangang pagtuonan ng pansin, mula sa pinakamahalagang detalye hanggang sa pinakamaliit na bagay na hindi na mapapansin ng mga tumitingin, liban sa mga sanay pumuna ng mga drawings. Sa pagguhit kailangan gumamit ng effects upang mamangha ang mga tumutingin, kahit hindi gaanong maganda o proportion ang ginawa mo pag may effects hindi na ito ma papansin. Di ako kagalingan sa pagguhit ko pero sini-sigurado ko na proportion ang ginagawa ko lalo na kapag ka anime. Dahil nawawalan ito ng halaga kapag ka hindi pantay ang pagkagawa. Tulad na lang ng mga kamay, sa kaliwa malaki sa kanan maliit.

Sa arkitektura mahalaga din ang proportion. Ito’y nagpapakita ng halaga ng isang silid, tulad halimbawa sa bahay. Ano ba dapat ang may malaking silid, for obvious reason ang sala o living room kasunod ang master’s bedroom at hanggang paliit ng paliit. Di mo gagawing malaki ang storage kaysa sa silid tulugan liban na lang kung gagawin mo itong storage-studio o opisina sa pagdating ng panahon.

Kaya ang lahat sa larangan ng art ay halos umiikot sa parehong patakaran. Na sa may akda na kung anong diskarte ang gagamitin nya upang hindi ito mapuna. Subalit maganda rin kung may makita ka na mga taong magpupuna sa iyo para malaman mo kung saan ka nagkulang.

Ganun pa man kahit nagawa mo pa ang lahat para magustuhan ng madla ang ginawa mo. kalangan mo pa ring maging mapalad.

paalala: ang mga larawan ay galing sa inaruto.net under bakuman section

Categories: kwento Mga Marka:,
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.