Diskarte ng Purchaser
Ang purchaser ang siyang naatasan na taga asikaso ng mga bibilhin na mga materyales kaya dapat alam niya ito at kilala ang lahat ng mga supplier at mga kompanyang mapagbibilhan ng mga materyales at kagamitang pang-construction.
Ang pagiging purchaser ay hindi rin basta-basta kasi, lahat ng mga supplier at mga kompanya ay hindi basta-basta tatanggap ng mga P.O. o magbibigay ng diskwento kapag di nila kilala ang kumakausap sa kanila. Kailangan mo pang magpakilala na sa itong kompanya ka, na nautusan ka ni arkitek na bibilhin ito.
Sa presyo naman ng mga materyales, alam lahat yan ng purchaser, kung tumaas ang presyo o bumaba. Kahit ang mga sukat ng ganito-ganito kaya yan ng isang purchaser kung baga, kaya nyang mag estimate ng kung ano ang mga materyales at gaano karami ang kailangan ito.
At ang maganda nito kung malapit na ang kapaskuhan ang purchaser ang tanging may kakayahang, humungi ng mga Christmas bonus o give aways sa mga supplier na kumita sa proyektong ginawa ng kontraktor.
Sa pamamahala, kaagapay nya ang secretary na siyang naglilista ng mga nabili at maghahanap ng paraan upang mabigyan ng budget ang mga bibilhin. Kasama din dito ang warehouse manager na siyang tagabantay at tagalista ng mga sobrang materyales na naiimbak sa bodega, Sapagkat kailangan ding malaman kung anong mga materyales ang mga sumubra at pwede pang gamitin sa susunod na proyekto.
Transformer 3
Kung napanood nyo ang Transformer 1 at 2. Siguradong magugustuhan nyo ang ika’tlong bahagi nito. Ayon kay Michael at Shia di sila naging kuntinto sa ikalawang yugto ng Transformer.
Kung nabasa nyo ang pahayag nila, iisipin nyo ano pa’ng naging kulang sa pelikula nila, at ano ang gagawin nila sa ikatlong bahagi. Sa dalawang bahagi ng Transformer gusto ko ang dalawa.
Ang unang bahagi ay ang pagpapakilala ng mga autobots sa kanila. Ang pangalawa ang paninirahan nila sa mundo ng mga tao ng mapayapa na pilit ipinagkait ng mga mambabatas na naging resulta ng malaking kaguluhan.
Sa pagkakaalam ko sa huling minuto ng ikalawang pelikula ay naghahantay pa si Optimus Prime ng mga autobots na gustong manirahan ng mapayapa sa mundo ng mga tao. At si Megatron naman ay di pa rin susuko at naghahanao din ng mga kakampi upang tapusin si Optimus. Magiging malaking sagupaan ng kapangyarihan ang ikatlong bahagi sapagkat mas marami ang magiging kalahok. At balita ko may bagong karakter na isasali at ito’y ang Ferarri 458 Italia.
Sa una’t pangalawa naging maganda ang takbo ng pelikula, hindi naman naapektuhan ng puro salita ang mga sagupaan. di tulad ng ibang pelikula na mas marami ang salita kapag ka nasa ikalawang bahagi na sila, na siyang naging dahilan ng mga manonood na manghinayang sa bayad nila. Sana sa ika’tlong bahagi, mas magiging makabuluhan ang kwento kasi nga panghuli na ito. Ito may paunang prediksyon sa mga kalahok sa transformer 3 movie.
Drawing
Kung ikaw ay mahilig gumuhit at napagpasyahan mong gumuhit lalo na kapag nasa mood ka di mo mamalayan ang oras.
Ang pag guhit ay nangangailangang pagtuonan ng pansin, mula sa pinakamahalagang detalye hanggang sa pinakamaliit na bagay na hindi na mapapansin ng mga tumitingin, liban sa mga sanay pumuna ng mga drawings. Sa pagguhit kailangan gumamit ng effects upang mamangha ang mga tumutingin, kahit hindi gaanong maganda o proportion ang ginawa mo pag may effects hindi na ito ma papansin. Di ako kagalingan sa pagguhit ko pero sini-sigurado ko na proportion ang ginagawa ko lalo na kapag ka anime. Dahil nawawalan ito ng halaga kapag ka hindi pantay ang pagkagawa. Tulad na lang ng mga kamay, sa kaliwa malaki sa kanan maliit.
Sa arkitektura mahalaga din ang proportion. Ito’y nagpapakita ng halaga ng isang silid, tulad halimbawa sa bahay. Ano ba dapat ang may malaking silid, for obvious reason ang sala o living room kasunod ang master’s bedroom at hanggang paliit ng paliit. Di mo gagawing malaki ang storage kaysa sa silid tulugan liban na lang kung gagawin mo itong storage-studio o opisina sa pagdating ng panahon.
Kaya ang lahat sa larangan ng art ay halos umiikot sa parehong patakaran. Na sa may akda na kung anong diskarte ang gagamitin nya upang hindi ito mapuna. Subalit maganda rin kung may makita ka na mga taong magpupuna sa iyo para malaman mo kung saan ka nagkulang.
Ganun pa man kahit nagawa mo pa ang lahat para magustuhan ng madla ang ginawa mo. kalangan mo pa ring maging mapalad.
paalala: ang mga larawan ay galing sa inaruto.net under bakuman section
Bakuman chapter 6
Sa mga nakaraan na kabanata pagkatapos ni Saiko mag propose kay Azuki at nalaman na ang kanyang tito at ang ina ni Azuki ay may lihim na pagtingin sa isa’t isa subalit di naging maganda ang nangyari.
Siya’y nag desisyong gumawa ng manga hanggang sa siya’y maging tanyag at upang mapangasawa nya si Azuki. Araw-gabi nyang pinagtuunang pansin ang paggawa ng mga karakter ng kanilang manga.
Subalit sa ika-5 na kabanata na tuklasan nila na may mas bata pa sa kanila na nanalo ng award at siguradong may pagkakataong maging professional mangaka pagkatapos niyang gumraduate sa highschool.
Dito na sa kabanatang ito na magsisimula ang pakikipagsapalaran na maging pro. Subalit bago pa man sila magsimulang gumawa kailangan mo na nilang maghanap ng editor na tutulong sa kanilang babasahin upang maging tagumpay. Pero bago pa man sila nakahanap ng editor!
Bakuman Chapter 14-24
Kahit pa man nahirapan sa pagbuo ng kwento at pagsasalarawan ng mga kaganapan, Pinakain silang dalawa ng kanilang editor at binati sa kanilang nagawa. Subalit di pa rin sila dapat maging kampanti sa kanilang manga sapagkat kailangan nilang mapantayan is Eiji.

Upang matupad naman ang pangarap ni Akuzi na maging voice actor napagdesisyonan nila na abutin muna nila ang kanilang mga pangarap bago pa sila, magkita ulit, at sa pagkakataon na iyon ay sa simbahan na.
Pero ang lahat ng bagay ay pwedeng magbago kaya napagpasyahan ni Saiko na tanungin si Azuki hanggang kalian sila maghihintay, at ito ang sagot ni Azuki.

Sa ikalabin-limang kabanata, gusto nilang pumasok sa mas mahirap na trabaho, upang mas maging kampante sila na magiging anime ang kanilang manga pero.

Sa kagustuhan nilang maging sikat, at sa hindi pagkaksundo sa nais mangyari, nagkaproblema sila sa hindi pagka intindihan. Liban pa nito ang relasyon sa pag-ibig nila ni Shujin at Miyoshi, na akala ni Saiko naging hadlang sa kanilang ambisyon.


Napagpasyahan niya na magtrabaho muna kay Eiji sa loob ng tatlong linggo at para makapag-isip naman si Shujin kung ano ang magiging paksa nila sa panibagong ilalahok nila.
Habang nasa studio ni Eiji, nagdebate sila tungkol sa kakulangan ni Eiji sa kanyang manga.
Naging maganda ang kinahihinatnan ng kanilang pagdedebate, kaya silang lahat ay nagpasyang maging magkakompetinsya sa patas na paraan. Sapagkat magtutulungan kapag ka may problema ang isa sa kanila.











